PAPARAMIHIN | Japanese tourist arrivals sa bansa, payayabungin ng DOT

Manila, Philippines – Nakapagtala ng 584, 238 Japanese tourist arrivals ang Department of Tourism sa unang anim na buwan ng 2018.

Ito ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat ay, 9.14% na mas mataas kumpara sa naitalang 535,238 noong 2016.

Dahil dito ayon sa kalihim, mas lalo pa nilang pagyayabungin ang Japaneee Tourist arrivals sa pamamagitan ng pagsasamoderno ng mga regional airports.


Kukunin rin aniya nila si Japan Ms. Universe 2014 first runner-up Hiromi Nishiuchi at Japanese model na si Izumi Loveli Shirahama bilang mga Philippine Tourism Fun Ambassador para sa pangangampaniya ng Coron, Palawan at Bohol.

Facebook Comments