Hindi kami manggugulo sa Cotabato City- Chairman Murad

74

Hindi namin gusto na magkaroon ng kaguluhan sa Cotabato City! Ito ang mariing inihayag ni MILF Chairman Murad Ebrahim, Alhaj sa naging panayam ng DXMY.
Mariin rin nitong pinabulaanan ang mga kumakalat na impormasyon sa social media maging sa text messages na nagdeploy na sila ng mga tauhan para lumusob anu mang oras sa Cotabato City.
Isinisiguro rin ni MILF Chairman na hindi mangyayari ang pinangangambahan ng mga taga syudad sa araw o matapos ang gagawing plebisito.
Sa halip na matakot, maging mapanatag at kalmado dahil na rin sa close coordination ng mga ito sa pamunuan ng 6th Infatry Division.
Kaugnay nito umaasa naman si Chairman Murad na magiging matiwasay , maayos at makakaboto sa gagawing Plebisito ang lahat di lamang sa Cotabato City maging sa mga pagdaraosang plebiscite areas na sasakupin ng BARMM.

Facebook Comments

From Advertisers