‘HINDI KAMI TERORISTA’ | MAKABAYAN Bloc, susunod na target ng gobyerno?

Manila, Philippines – Binigyang diin ng MAKABAYAN na hindi sila mga terorista.

Ito ay bunsod na rin ng pangamba na posibleng ang grupo naman nila ang sunod na targetin ng gobyerno matapos na iproklamang terorista ang New People`s Army (NPA).

Dahil dito, hindi iniaalis ng MAKABAYAN na posibleng sila naman ang susunod na imbestigahan, bantayan at pasundan sa mga otoridad.


Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate at Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang suporta ng kanilang grupo sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDF) lalo na noong kasagsagan ng proseso ng peace talks sa pagitan ng gobyerno.

Giit nila Tinio, Zarate at Casilao, hindi sila mga terorista at hindi terroristic acts ang kanilang mga ipinaglalaban.

Ang pagkabahala na ito ay dahil na rin sa banta ni Pangulong Duterte na isusunod ang mga grupong nagbibigay suporta at pinansyal na tulong sa NPA.

Facebook Comments