HINDI KASAMA | Mindanaoan Congressman, nanindigan na hindi dapat mapasama ang ilang lugar sa Mindanao sa Bangsamoro Region

Nanindigan si Lanao del Norte Rep. Mohammad Khalid Dimaporo na hindi dapat mapasama sa Bangsamoro Region ang 39 na barangay ng North Cotabato at anim na munisipalidad ng Lanao del Norte, na kasalukuyang kasama ngayon sa Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM).

Giit ni Dimaporo, ang pagkakabilang ng naturang mga lugar sa magiging Bangsamoro region ay maituturing unconstitutional.

Nais din ni Dimaporo na maialis sa ARMM ang 39 na barangay sa North Cotabato at 6 na munisipalidad ng Lanao del Norte dahil wala namang patunay noon ang COMELEC na bumoto ang mga ito pabor sa ARMM.


Dahil dito, handa ang Kongresista na kwestyunin sa Supreme Court ang legalidad nang pagsasama sa mga nabanggit na lugar sa Bangsamoro region.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Dimaporo na handa niyang tanggapin anuman ang magiging desisyon dito ng kataas-taasang hukuman.

Facebook Comments