TUKOY NA | 4 hanggang 5 pang suspek sa pagpatay kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote, natukoy ng PNP

Nueva Ecija – Pinaghahanap pa ngayon ng Philippine National Police ang apat hanggang limang suspek sa pagpatay kay General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde matapos na maaresto ang unang dalawang suspek kaninang umaga kung saan isa aniya rito ang nagsisilbing gunman.

Malaki naman ang paniniwala ni Albayalde na miyembro ng gun for hire group ang mga pumatay kay Mayor Bote kaya naman mas masigasig ang kanilang ginagawang pagsisiyasat upang matukoy ang mismong mastermind sa pagpatay sa alkalde.


Matimbang naman ngayon para sa PNP ang motibong away sa negosyo ang dahilan ng pagpatay kay Mayor Bote pero nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon upang makumpirma ito.

Facebook Comments