HINDI KONTENTO | Ilang opisyal, nakatakdang sibakin ni P-Duterte pagkabalik sa Maynila

66

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami pang opisyal ang kaniyang sisibakin pagkabalik nito sa Maynila.

Ito ang sinabi ng Pangulo sa 16th founding anniversary ng supreme tribal council for peace and development incorporated sa Davao City kung saan wala naman siyang ibinigay na detalye kung sinu-sino ang mga masisibak na opisyal.

Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nais ng Pangulo na baguhin ang komposisyon ng gabinete nito dahil sa hindi siya kuntento sa ilang miyembro.
Matatandaang ilang opisyal na rin ang nasibak ng Pangulo dahil sa alegasyon ng korupsyon at sobra-sobrang pagbiyahe sa ibang bansa.

Facebook Comments