HIHIGPITAN | Operasyon kontra iligal na droga, hindi ititigil ng PNP ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Hindi titigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakasa ng mga operasyon laban sa illegal na droga kahit pa ngayong Semana Santa.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ngayong panahon ng bakasyon ay talamak ang bentahan ng ectasy at party drugs lalo na sa mga gimikan sa Bonifacio Global City (BGC).

Sigurado daw na marami na naman ang malululong dito dahil bumalik ang mga supplier ng nasabing mga illegal na droga.


Dagdag pa ni Dela Rosa, maliban sa mga gimick bars ay mahigpit din nilang babantayan ang mga tourist destinations at beach resorts sa bansa na target na puntahan ng publiko.

Facebook Comments