HINDI KUKUNSINTIHIN | Panloloko ng ilang local Telecommunication Company, hindi palalampasin ni Pangulong Duterte – Palasyo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi magigisa sa sariling mantika ang pamahalaan sa pagsisikap na mapalakas ang internet service sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi kukunsintihin ni Pangulong Duterte ang panloloko ng ilang local TELCO na ang layon lamang ay magkamal ng napakalaking pera sa pamamagitan ng pagbebenta sa frequency na hindi naman nila pinuhunanan.

Binigyang diin ni Andanar na libreng ibinigay ng gobyerno ang frequency sa Telecom Companies kaya nagalit si Pangulong Duterte nang malaman na nagbebenta ang cure ng frequency sa pamahalaan ng PLDT.


Sinabi ni Andanar na malinaw itong panloloko sa taumbayan at sa gobyerno at hindi ito palalampasin ng Administrasyon.
Iginiit pa ni Andanar na disedido si Pangulong Duterte na buwagin ang duopoly sa telecommunication at nagbanta pa ito na ipararamdam ang kapangyarihan ng gobyerno sa mga kokontra sa pagpasok ng 3rd party player sa larangan ng telekomunikasyon sa bansa.

Facebook Comments