Manila, Philippines – Hindi araw-araw ay Pasko para sa grupong Kadamay.
Ito ang ipinahiwatig ng Palasyo ng Malacañang sa harap narin ng kanilang isa pang demand kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagpayag ng Pangulo na ibigay na sa kanila ang mga pabahay na kanilang inagaw sa Pandi sa Bulacan.
Nagsagawa kasi ng kilos protesta ang kadamay nitong nakalipas na araw kung saan gusto ng mga ito na ibigay sa kanila ng pamahalaan ang lupain ng gobyerno sa Manggahan floodway sa Pasig City.
Gusto kasi ng Kadamay na maglabas ang Pangulo ng proklamasyon na nagsaasbing sa kanila na ang lupain sa nasabing lugar.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang pagpayag ng Pangulo sa hiling ng grupong Kadamay ay hindi nangangahulugan na lahat nalang ng kanikang gawin at hingin ay papayagan ng Pangulo.
Paliwanag ni Andanar, kung hindi naaayon sa batas ay hindi ito puwedeng payagan.
Matatandaan na sa bisa ng Executive Order number 854 na inilabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay idineklarang danger zone ang manggahan floodway kaya hindi ito maaaring tirahan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558