Manila, Philippines – Malaki ang naging papel ng social media para matulungan ang mga distressed OFW.
Sa interview ng RMN kay Presidential Communications Operations Office Asec. Margaux “Mocha” Uson, iginiit nito na hindi lang naman sa pagba-blog nakatutok ang kanyang trabaho kundi ang pagtulong din sa mga naaabusong OFW sa ibang bansa.
Sabi ni Asec. Uson, personal na nagme-message sa kanya ang mga OFW at humihingi ng saklolo.
At bilang tugon ay kaagad niya itong ipinapadala sa OWWA.
Naki-usap naman si Asec. Mocha sa mga bagong bayani na maging responsable rin sa mga ipino-post sa social media.
Nabatid na mayroon kasing ilang kaso na matagal na pala pero nabubuhay itong muli dahil ipinost sa social media.
Facebook Comments