HINDI MAABUSO | Simbahan, suportado ang pagpapakalat ng suggestion box

Manila, Philippines – Suportado ni Fr. Antonio Labiao, Vicar General ng Diocese of Novaliches ang pagpapakalat ng suggestion boxes sa mga barangay sa Quezon City.

Pinakalat na simula kahapon sa may 142 barangays ng Quezon City at mga simbahan sa Quezon City ang mga suggestion box ng DILG.

Ayon kay Fr. Labiao, hindi na bago sa simbahan ang suggestion boxes dahil isa ito sa ginagamit nito na mainam na feedback mechanism.


Hindi naniniwala si Labiao na maabuso ang suggestion box tulad ng pangamba ng mga human rights groups.

Isa aniya itong mainam na mekanismo para makuha ang partisipasyon ng publiko sa pangangasiwa ng gobyerno lokal.

Ayon kay Jovian Ingeniero, Asstant Regional Director ng DILG NCR, kokolektahin tuwing ikatlong Biyernes ang laman ng suggestion box.
ang impormasyon na makakalap ay sasailalim sa evaluation.

Ang mga sumbong patungkol sa kriminalidaad ay ibibigay sa PNP, ang sumbong sa illegal drugs ay ipapasakamay sa PDEA habang ang mga reklamo sa graft and corruption ay ita turn over sa Sangguniang panglingsod, Civil Service Commission at Ombudsman.

Facebook Comments