Hindi maayos na pagpapatupad ng Cha-cha ang may problema at hindi ang Konstitusyon ayon kay dating Comelec Chair Attorney Christian Monsod

Naniniwala si dating COMELEC Chairman Christian Monsod, na walang makatwirang dahilan para baguhin ang Saligang Batas.

Sa isang presscon sa Quezon City sinabi ni Monsod, na hindi dahilan ang pag-amyenda ng Saligang Batas dahil wala naman aniyang problema sa Konstitusyon, kundi ito’y dahil lamang sa hindi maayos na implementasyon ng mga nakaupong Politiko.

Paliwanag pa ni Monsod na ang isinusulong na economic charter change ay masisingitan pa rin aniya ng ekstensyon sa termino at political dynasty kung saan naniniwala siyang pang sariling interes lamang ng mga pabor dito.


Kung usaping naman umano sa foreign investments, ani Monsod, hindi rin kailangan ng economic Cha-cha para ipatupad ang Philippine Development Plan 2023-2028 dahil nasiguro na ito ni Pangulong Marcos, Jr. mula sa kaniyang mga biyahe sa ibang bansa.

Panawagan naman ni Fr. Tony Labiao, executive-secretary ng Caritas Philippines, dapat tignan ng publiko ang totoong agenda sa likod ng Cha-cha at mariing tutulan ang anumang pagbabago sa Konstitusyon.

Facebook Comments