Walang Pinoy na nasaktan sa suicide bombing sa Kabul – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong naapektuhan sa mga pagsabog sa labas ng Kabul airport sa Afghanistan.

Ayon sa DFA, bagama’t may 2 Pinoy sa airport bago ang mga pag-atake, agad anila itong nakaalis sa lugar dahil hindi naman natuloy ang kanilang flight dahil sa sitwasyon doon.

Sa kabila nito, tiniyak ng DFA na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Pakistan, sa United Nations para alamin ang mga bagong security updates hinggil sa sitwasyon sa Afghanistan.


Sa nangyaring suicide bombings sa labas ng Kabul airport, halos isang daan ang namatay kabilang na ang 13 US personnel.

Samantala, kinumpirma rin ng DFA na 1 pang Pilipino mula Afghanistan via Dubai ang dumating ngayong araw sa bansa.

Facebook Comments