HINDI MAGANDANG SENYALES | Pagpirma ng EO na magwawakas sa ENDO, may mga balakid ayon sa ALU-TUCP

Manila, Philippines – May makulimlim na ulap na bumabalot sa pagpapalabas ng final draft Executive Order na tutuldok sa endo, 555, seasonal at contractual.

Ito ang ipinahayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa (ALU-TUCP).

Kasunod ito ng pagkakansela ngayong araw ng pagpipirma sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa EO.


Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, hindi magandang senyales ang mga ipinapahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pumapabor pa na tumanggap ng iba pang bersyon.

Idinagdag pa ni Tanjusay na ang Department of Trade and Industry (DTI) na kinakatawan ang posisyon ng Employers Confederation of the Philippines ay kinokontra ang version ng mga labor groups. Sa halip, nagpasok din ito ng 5th draft.

Sa version ng mga labor kinikilala nila na hindi talaga kakayanin ang absolute ban kung kaya at gumawa sila ng panibagong draft na magpapahintulot ng contractual na trabaho.

Sa ngayon, buo ang pasya ng ALU-TUCP-Nagkaisa na hindi dadalo sa ceremonial signing kung hindi ang kanilang version ang pipirmahan ng Pangulo

Facebook Comments