Hindi na magdadagdag ng pwersa ng sundalo sa Sultan Kudarat matapos ang ikalawang malakas na pagsabog na ikinasawi ng dalawang indibidwal at pagkasugat ng 13 kagabi.
Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo.
Aniya may sapat na bilang ang kanilang hanay para ipagpatuloy ang kanilang operasyon sa lugar.
Habang sa panig ng Philippine National Police sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana na mas paiiralin nila ang mas mahigpit na checkpoint operation.
Aminado naman si Col. Arevalo na nalusutan sila ng mga kalaban kaya naman huimihingi sila ng kooperasyon sa publiko upang hindi na muling makaubra ang mga local terrorist group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF.
Sa ngayon aniya nagpapatuloy ang kanilang security assesment sa mga kaganapan sa lugar upang mabago ang mga stratehiyang kanilang ipinatutupad laban sa mga kalaban.
Dahil naniniwala ang AFP na maging ang mga kalaban ay nagbabago rin ng mga taktika para makapaghasik ng gulo at ang ngiging biktima ay mga inosenteng sibilyan.
Inihayag pa ni Arevalo na ang sumabog na Improvised Explosive Device ay binubuo ng Black powder with conrete nails at PVC pipes Canister.
Ang mga ganitong bomba aniya ay gawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).