*Dagupan City*- Ngayong Abril ipinagdiriwang ang Bangus Festival sa lungsod ng Dagupan at ang City Agricultural Office ay aminado na ang suplay ng Bangus ay sapat sa pagdiriwang.
Ayon kay Mr. Roly Dulay Agricultural Technologies ng ahensya umaabot ng 40-50 metric tons sa isang araw ang suplay ng bangus. Ang mga Bangus ay nanggagaling sa mga karatig bayan ng Pangasinan katulad ng Alaminos, Binmaley,Bolinao,Anda,Bani,Lingayen at Labarador.
Umaabot di umano ng 25 kilos ang isang banyera ng mga ito kaya kung ikukumpara ang dami nito ay pareho lamang noong nakaraang taon at sinugurado na tuloy tuloy ang produksyon ng Bangus ngunit minsan ay hindi maiiwasan ang fish kill at kalamidad na nagpapababa ng produksyon.
Bagamat ang presyo ng bangus sa merkado ay tumataas na nasa 125-130 pesos kada kilo babantayan umano ang monitoring price dahil mayroong mga tinderang mapagsamantala.
Ulat nina Jerame Laxamana at Mark Maynigo
Photo-credited to Wikipedia.org