Manila, Philippines – Kinundena ngayon ng Human Rights group na KARAPATAN ang pinakahuling kaso ng pagpatay sa kanilang mga human rights group sa Negros Oriental.
Ayon kay Cristina Palabay, Secretary General ng KARAPATAN, si Elisa Badayos, ang coordinator ng Karapatan Central Visayas at si barangay tanod Elioterio Moises ay napatay sa gitna ng kanilang isinasagawang fact finding mission sa Bayawan, Negros Oriental.
Aniya, hindi magpapatinag ang kanilang mga human rights workers sa mga isinasagawang fact finding mission sa harap ng banta na i-crackdown ang mga aktibista.
Facebook Comments