HINDI MAGTATAGO | Dating Tourism Sec. Wanda Teo, handa sa anumang imbestigasyon

Manila, Philippines – Tiniyak ng kampo ni resigned Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo na hindi siya magtatago at sisipot sa anumang imbestigasyon na isasagawa hinggil sa kontrobersiya na kanyang kinasangkutan.

Ayon sa kanyang abugadong na si Attorney Ferdinand Topacio, ‘welcome’ sa kanilang panig ang anumang imbestigasyon.

Sinabi pa ni Topacio na dito nila mapapapatunayan na wala talagang kinalaman si Teo sa ad placement ng Department Of Tourism (DOT) na inilagay sa block timer na programa ng kanyang kapatid sa PTV4.


Kahapon, inanunsyo ng Ombudsman na nagsasagawa na sila ng motu propio fact finding investigation laban kay Teo

Matatatandaang naging kontrobersyal ang nasabing ad placement makaraang tukuyin sa report ng Commission on Audit (COA) ang 60 milyong pesos na halaga ng advertisements ng Department Of Tourism (DOT) na inilagay sa programa ng Tulfo brothers na hindi suportado ng anumang dokumento.

Facebook Comments