Tuesday, March 10, 2026

Hindi makatwiran na biglaang pagtaas ng presyo ng langis, iimbestigahan ng Kamara

Isinulong ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez na maimbestigahan ng Kamara ang biglaang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa kahit may sapat tayong suplay.

Giit ni Suarez, may stock pa tayo ng langis pero bakit agad naipapasa sa taumbayan ang bigat ng taas-presyo na dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

ang hirit na imbestigasyon ay nakapaloob sa House Resolution 852 na inihain ni Suarez na layuning alamin ang naging basehan ng pump price adjustments at kung may ipinatutupad na proteksyon para sa consumers.

Kaugnay rito ay pinagsusumite ni Suarez ng detalyadong report ang Department of Energy (DOE) hinggil sa galaw ng presyo, inventories, benchmarks at legal na basehan para sa emergency measures.

Facebook Comments