HINDI MANGINGIELAM | Pangulong Duterte, dumistansya sa alitan nina House Speaker Alvarez at Mayor Sara Duterte-Carpio

Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mamamagitan sa ginawang patutsada ng kaniyang anak na si Davao City Mayor sara Duterte laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Pinabulaanan din ni Duterte na interesado si Sara na sumunod sa kaniya bilang Pangulo.

Kasabay nito, itinanggi ni Alvarez na bahagi na ng oposisyon ang alkalde matapos bumuo ng sariling regional party na hiwalay sa PDP-Laban.


Itinanggi rin ni Alvarez na siya ang sinabi niyang kaya niyang i-impeach anumang oras ang Pangulo.

Una nang binatikos ng alkalde sa pamamagitan ng kaniyang social media posts si Alvarez dahil umano sa pagtawag sa kaniya na kaanib ng oposisyon.

Giit ni Sara, may basbas ng kaniyang ama ang kaniyang bagong partido.

Nagbanta pa ang alkalde na may isisiwalat laban kay Alvarez sa Biyernes.

Facebook Comments