HINDI MAPIPIGILAN | Barangay official sa Quezon City na nasa ‘narco-list’ ng PDEA tuloy ang pagtakbo bilang kagawad

Manila, Philippines – Hindi mapipigilan Sa kabila ng pagkakasama ng kaniyang pangalan sa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), tuloy ang ang pagtakbo ng babaeng kagawad sa Quezon city para sa May 14 barangay election.

Ayon kay Barangay Bagong Lipunan sa Krame kagawad Noemi Agcaoili, tuloy ang kanyang kandidatura sa Quezon city dahil hindi naniniwala ang kanyang mga ka-barangay na dawit siya sa operasyon ng ilegal na droga.

Kinukwestyon ni Agcaoili ang batayan ng narco list, dahil nakatira lang siya sa pugad ng mga adik at pusher, ay siya na umanong ginamit ng PDEA at PNP na basehan para isama ang kanyang pangalan sa listahan.


Giit ni Agcaoili, hindi siya protektor ng droga dahil kaisa siya ng Duterte administration sa war on drugs.

Paliwanag ni Agcaoili nakikipag-ugnayan na siya sa mga otoridad at anumang araw ay nakatakda siyang magtungo sa Kampo Crame para linisin ang kanyang pangalan.

Facebook Comments