Manila, Philippines – Muling binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court.
Kaugnay ito sa nakatakda nilang pag-iimbestiga ukol sa kampanya ng administrasyon laban sa ilegal na droga.
Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng malasakit programs for the Visayas sa Cebu, iginiit ng pangulo na hindi matitigil ang kanyang mga programa kontra droga kahit pa ipa-firing squad siya.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, sana nga ay magtagumpay ang ICC sa kanilang gagawin, dahil ang Colombia nga ay labing tatlong taon nang nasa ilalim ng preliminary examination pero hindi naman umuusad.
Facebook Comments