HINDI MIYEMBRO! | 3 body guards ng negosyanteng nanapak sa barangay traffic enfocers sa Makati, hindi miyembro ng PSPG – ayon sa PNP

Hindi miyembro ng police security and protection group ang tatlong bodyguard ng negosyanteng si Arnold Padilla na nanapak sa dalawang traffic enforcer sa Makati.

Kinumpirma mismo ito ng pamunuan ng PSPG.

Ayon kay Makati City Police Chief Sr/ Supt. Rogelio Simon – nakikipag-ugnayan na sila sa PNP firearms and explosive office para alamin kung may lisensya at permit ang mga baril ng mga body guard ni Padilla.


Bukod sa Feo, may koordinasyon na rin sila sa PNP Supervisory Office on Security and Investigation Agencies (SOSIA) kung mga licensed private protective agent ang mga body guard.

Nauna nang kinasuhan ng bantay bayan ng direct assault si Padilla at mga body guard nito.

Naghain din ng counter charges sa Makati Police ang body guard na si Bernabe Casido.

Lunes, nang sitahin ng mga barangay traffic enforcer ang sasakyan ni Padilla sa Magallanes dahil sa tuluy-tuloy na pagmamaneho nito kahit naka-pula ang traffic light.

Facebook Comments