Manila, Philippines – Nais ni Isa Ang Edukasyon Party list Representative Salvador Belaro na baguhin ang kasalukuyan guidelines na sinusunod sa pagsususpindi ng klase tuwing may bagyo.
Ayon kay Belaro, hindi na angkop ang guideline ngayon dahil sa lakas ng mga bagyong pumapasok sa bansa at maging ang matinding epekto ng habagat.
Giit ni Belaro, dapat agad nang suspindihin ang klase at trabaho kapag signal no. 2 sa halip na hintayin pang mag-signal no.3.
Maaari aniyang i-update at i-reconfigure ang template depende sa lakas ng ulan, dami ng tubig, pagtaas ng ilog at pagbaha gamit ang mga monitoring devices na siya namang gagawing basehan sa suspensyon ng klase at pasok sa trabaho.
Facebook Comments