Manila, Philippines – Plano na ng Department of Agriculture (DA) na may gagawing pagbabago sa bidding process sa procurement ng mga mataas na uri ng binhi ng palay kabilang ang inbred at hybrid seeds Ang intensyon ng DA ay upang maitama ang ilang pagkakamali sa sistema ng pagbili ng binhi ng palay na nagresulta ng pag aksaya sa pondo ng pamahalaan at mababang produktibo nito. Binigyang halimbawa ni Piñol kung ang binhi ng palay ay maayos na tumubo at lumago sa Cagayan Valley Region at hindi naman nagagawa sa Panay Island, ang nakasanayang pagbili ng binhi sa pamamagitan ng Lowest Bidder system ay hindi na umuubra. Noon pa man nagpahayag na ng kagustuhan ang mga magsasaka sa Central Luzon na subukan naman ang iba’t ibang uri ng hybrid seeds na naaayon sa kanilang lupang sakahan . At tinatanggihan ang binhi mula sa nanalong bidder dahil hindi naman lumaki ang kanilang produksyon. Bukod din sa mahaba at matagal na procurement process sa ilalim ng rice seeds procurement program ,naaantala ang delivery ng binhi sa mga magsasaka. Ang mungkahi ng DA na dapat hayaan ang mga magsasaka na tukuyin ang mga hybrid seeds na itanim sa kanilang sakahan ay inaprobahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.
HINDI NA UUBRA | Ilang pagkamamali sa bidding process ng matataas na uri ng binhi, nais itama ng DA
Facebook Comments