HINDI NABABAHALA | Malacañang, hindi natatakot sa mga posibleng kilos protesta na ikasa ng mga kalaban ng administrasyon

Manila, Philippines – Hindi nababahala ang palasyo ng Malacañang sa posibleng backlash o masamang epekto ng inilabas na proclamation number 572 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumabawi sa amnesty na ibinigay kay Senador Antonio Trillanes IV.

Una nang sinabi ni Trillanes na malinaw na isa itong political persecution, hindi naman malayo ang posibilidad na magsagawa ng mga kilos protesta ang iba pang grupong kontra sa administrasyon.

Ayon kay presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa isang Briefing sa Israel, walang problema para kay Pangulong Duterte ang mga ganitong pagkilos at nagpapatupad naman ang pamahalaan ng Maximum tolerance sa mga rally dahil iginagalang ng Pamahalaan ang freedom of expression.


Binigyang diin din ni Roque na hindi sila ang dapat sisihin sa issue na ito dahil bilang punong ehekutibo ay ipinatutupad lamang ni Pangulong Duterte ang batas na kanyang mandato.

Paliwanag ni Roque, si Trillanes ang gumawa ng Oakwood mutiny pagokupa sa Manila peninsula kaya siya ang may kasalanan kung bakit ito nangyayari sa kanya.

Sinabi din ni Roque na alam naman ng nagbigay ng amnesty kay Trillanes na depektibo ito sa umpisa pa lamang dahil hindi naman nasunod ni Trillanes ang mga pre-contitions para ito mabigyan ng amnesty.

Facebook Comments