HINDI NAGKASUNDO | Pagtatapos ng government shutdown sa Amerika, nakabinbin pa rin

Amerika – Nagkaroon ng pagpupulong ang ilang Republican at Democrat Senators para pag-usapan ang muling pagbubukas ng Federal Agencies sa Lunes (araw sa Amerika).

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Government Shutdown ng White House simula noong Biyernes matapos na hindi mapagkasunduan ang panukalang pondo ng gobyerno.

Gayunman tumangging magbigay ng detalye ang mga nasabing mambabatas kung nakabuo ba sila ng kasunduan.
Kabilang sa lumulutang na kasunduan ay ang pagbubukas muli ng US Government kapalit ng pangakong reresolbahin ang usapin hinggil sa mga Immigrant.


Facebook Comments