Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na makatatanggap pa rin ng mga nasiraan ng bahay dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre ng 2021.
Ayon kay Tulfo, mayroon pang 153,410 na pamilya na tuluyang nawasak ang mga bahay ang hindi pa ring nakatatanggap ng Emergency Shelter Assistance (ESA).
Ito’y para sa mga benepisyaryo sa Region6, 8, 10, Caraga at MIMAROPA.
Ayon sa kalihim, inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang special allotment na nagkakahalaga ng P1.5 billion para sa pagpapatayo muli ng mga kabahayang sinira ng bagyo.
Sa ilalim ng ESA, makatatanggap ng financial assistance na P10,000 ang bawat benepisaryo bilang dagdag gastusin sa pagpapatayo ng kanilang nasirang bahay.