Magsasaka sa Santiago City, Dinakip sa Patung-patong na kaso

31
Cauayan City, Isabela- Tuluyan nang inaresto ng mga awtoridad ang isang magsasaka sa Brgy. Balintocatoc, Santiago City pasado alas- 10:45 ng umaga kahapon, August 11, 2022.

Ito ay makaraang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya na ipinalabas ng korte.

Kinilala ang akusado na si Sonny Parinas, 38-anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Nahaharap ang akusado sa patung-patong na kaso gaya ng Comprehensive Law On Firearms and Ammunition (Ra 10591 Covers RA 9516,Ra 8294 and PD1866),Comprehensive Law On Firearms and Ammunition (Ra 10591, Covers Ra 9516, Ra 8294 And Pd 1866), Comprehensive Law On Firearms and Ammunition (Ra 10591 Covers Ra 9516,Ra 8294 And Pd 1866),Illegal Possession, Manufacture, Acquisition, Of Firearms, Ammunition Or Explosive (Pd 1866 As Amended By Ra 8294 and RA 9516 ” Under Cc Nos. 13614, 13615, 13616 And 13617).

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspek kung makapaglagak ng perang nagkakahalaga ng 120,000.00 para sa Comprehensive Law On Firearms And Ammunition (RA 10591 Covers RA 9516,Ra 8294 And Pd 1866), Php 80,000.00 para sa Comprehensive Law On Firearms And Ammunition (RA 10591 Covers RA 9516, Ra 8294 at PD 1866),Php 100.000.00 para sa Comprehensive Law On Firearms And Ammunition (RA 10591 Covers Ra 9516, Ra 8294 and PD 1866) habang walang inirekomendang piyansa sa kasong Illegal Possession, Manufacture, Acquisition, of Firearms, Ammunition Or Explosives (Pd 1866 As Amended By Ra 8294 And Ra 9516.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments