Manila, Philippines – Aabot sa 1.3-bilyong pisong pondo para sa dalawang milyong mahihirap na pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang hindi naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong 2017.
Sa report ng Commission on Audit (coa), bigo ang DSWD na ibigay ang p500 buwanang ayuda para sa health grant at p300 ayuda para sa education grant ng mga benepisyaryo.
Hindi rin naibalik ng DSWD ang 5.4-bilyong pisong refund sa national treasury para sa 4Ps grants noong 2013 hanggang 2017.
Ayon pa sa COA, hindi rin nakapagsagawa ng delisting ang ahensya sa mga benepisyaryo ng 4Ps kahit na hindi kumuha ng ayuda sa 4Ps.
Bigo rin itong makapagpatayo ng 3,200 na temporary shelters para sa mga biktima ng bagyong yolanda sa Eastern Samar, Samar at Leyte.
Wala pang pahayag ukol dito ang DSWD.