Manila, Philippines – Ipina-deport na ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean national na wanted sa Seoul dahil sa illegal drug trade.
Kinilala ang dayuhan na si Oh Joohwan, 30-anyos.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, kararating lang ni Oh sa Mactan International Airport galing sa Kuala Lumpur, Malaysia nang arestuhin siya ng mga tauhan ng BI noong November 17.
November 22 na nang maibalik sa Korea ang suspek dahil na rin sa pakiusap ng Korean embassy na hintaying dumating sa bansa ang ipadadala nilang prosecutors at anti-drug investigators.
Nag-ugat ang operasyon ng BI matapos na makatanggap ng red notice mula sa Interpol sa posibilidad na pagpasok sa bansa ni Oh.
Facebook Comments