HINDI NAKULONG? | Kingdom of Jesus Christ Founder, Pastor Apollo Quiboloy, humarap na sa kanyang mga tagasunod

Manila, Philippines – Humarap na sa kanyang mga tagasunod ang Founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy.

Kahapon ay pinangunahan ni Quiboloy ang special thanksgiving worship sa Antipolo City.

Ayon sa Abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, patunay ito na hindi nakulong ang kaniyang kliyente sa Hawaii.


Sa ulat ng hawaiinewsnow.com, noong February 13 ay ininspeksyon ng mga tauhan ng Customs and Border Enforcement ng Hawaii ang private cessna citation sovereign na sinasakyan ng grupo ni Quiboloy.

Sa nasabing eroplano ay nakita ang pera na umaabot sa $350,000 cash na pagmamay-ari umano ni Felina Salinas, isang US citizen at ilang parte ng isang military-style rifle.

Facebook Comments