NAKIRAMAY | Burol ng OFW na pinatay sa Kuwait na si Joanna Demafelis, dinagsa ng mga nakikiramay

Manila, Philippines – Dagsa ang mga nakikiramay sa burol ni Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Worker na pinatay at isinilid sa freezer sa Kuwait.

Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak at mga kaibigan na nakiramay sa pamilya sa Sara, Iloilo.

Nagpakalat na rin ng mga pulis sa lugar para matiyak ang seguridad at mabigyan ng assistance ang pamilya Demafelis.


Magugunitang dumating sa bansa noong Biyernes mula sa kuwait ang labi ni Joanna.

Facebook Comments