Hindi namin pinag-iinitan ang Uber at Grab – LTFRB

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB na hindi nila pinag-iinitan ang transport network na Uber at Grab.

Sa ginawang prescon sa tanggapan ng LTFRB, ipinaliwanag ni LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada na multa ang ibinigay ng ahensya sa kanila pero dapat umanong huwag na muna silang mag-activate ng mga drivers habang hindi pa nag-uusap ang magkabilang panig kung ano ang mga panuntunan.

Paliwanag ni Lizada, nauunawaan umano ng ahensya ang sitwasyon ng TVNS pero dapat na magsumite sila ng kanilang mga data upang makagawa ng kaukulang hakbang ang LTFRB sa kanilang mga idinudulog na problema.


Dagdag pa ng opisyal na hindi nila pinag-iinitan ang Uber at Grab trabaho nila na mag-regulate dahil hindi alam ng LTFRB kung ano ang mga batayan ng dalawang transport network sa paniningil ng pamasahe sa mga commuter.

Facebook Comments