Hindi nasusunod na schedule ng water service interruption, iimbestigahan

30

Iniimbestigahan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga reklamo hinggil sa mga hindi nasusunod na schedule ng water service interruption.

Ayon kay MWSS Chief Regulator, Atty. Patrick Ty – nagbigay na sila ng babala sa Maynilad at Manila Water.


Paliwanag ni Jennifer Rufo, Head Corporate Communications ng Maynilad – bumagsak kasi ang lebel ng tubig sa Angat Dam kaya bumaba rin ang mga pumapasok na tubig sa treatment plant.

Payo ng Maynilad sa kanilang mga customer ay sundan ang mga anunsyo sa kanilang social media accounts.

Wala pang tugon ang Manila Water hinggil dito.

Facebook Comments

From Advertisers