HINDI NATINAG | Welterweight champion Lucas Matthysse, di apektado ng pagsuporta ni Pangulong Duterte kay Manny Pacquiao

62

Hindi natitinag si Argentinian champion Lucas Matthysse kung suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte si Manny Pacquiao sa kanilang laban sa darating na Linggo.

Paliwag nito, hindi naman daw ang Pangulo ng Pilipinas ang makakasagupa niya sa ibabaw ng ring kundi ang Fighting Senator ng Pilipinas.

Sabi pa ni Matthysse, kung si Pacman ay may Duterte, siya naman daw ay may Pope Francis.

Kumpiyansa kasi si Matthysse na ipagdarasal siya ng Santo Papa na manalo sa kanilang laban. Kababayan kasi ni Matthysse ang Santo Papa na tubo rin ng Argentina.

Nauna nang sinabi na lilipad ang Pangulong Duterte sa Malaysia para panoorin ang laban ni Pacman at ni Matthysse bago ang pulong nito kay Malaysian leader Mahathir Mohammad.

Facebook Comments