LIHAM | PJA, sumulat kay Pangulong Duterte kaugnay ng nominasyon ni Court Administrator Midas Marquez para sa Associate Justice post

82

Manila, Philippines – Nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte ang Philippine Judges Association para i-endorso ang nominasyon ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez sa associate justice post

Kaugnay ito ng nakatakdang pagreretiro sa August 8 ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Sa liham sa pangulo na nilagdaan ni PJA President Felix Reyes, nakasaad dito na taglay na ni Marquez ang lahat ng kwalipikasyon para sa nasabing posisyon lalo nat tatlong dekada na itong humawak ng ibat ibang posisyon sa Korte Suprema.

Ang Philippine Judges Association ay samahan ng Second Level Court Judges sa buong bansa na may isang libo at dalawang daang mga kasaping RTC judges.

Facebook Comments