HINDI NATULOY | Mahigit 100 OFWs patungong Kuwait, naharang ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Umaabot na sa mahigit isang daang OFWs patungo ng Kuwait ang naharang ng Bureau of Immigration sa NAIA.

Sa harap ito ng deployment ban ng Labor Dept. sa OFWs na patungo sa nasabing bansa.

Kaugnay nito, mahigpit ang ginagawang pagbusisi ng immigration officers sa mga dokumento ng OFWs na tumutungo sa Kuwait.


Sa ngayon kasi ang pinapayagan lamang na umalis patungo ng Kuwait ay ang OFWs na may existing contract at nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.

Una na ring nilinaw ng Bureau of Immigration na hindi kasama sa deployment ban ang mga Pinoy na may short-term non-working visas.

Facebook Comments