Manila, Philippines – Hindi natuwa si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa kumalat na tarpauline noong nakaraang linggo sa Metro Manila kung saan nakalagay ang mga katagang “Welcome to the Philippines Province of China”.
Sa isang interview kay Zhao sa Intramuros kanina ay sinabi nito na masama sa relasyon ng Pilipinas at China ang kumalat na tarpaulin kung saan inilarawan pa ito ni Zhao na isang matinding atake sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang kontrobersiya.
Binigyang diin ni Zhao na kailan man ay hindi naging bahagi ng China ang Pilipinas kahit sa ano pa mang parte ng kasaysayan ng mundo.
Sinabi pa nito na kahit sa hinaharap ay hindi magiging bahagi ang Pilipinas ng China o kahit anomang teritoryo nito.
Tiniyak naman ni Zhao na hindi magiging pagaari ng China ang dalawang tulay na magkakabit sa Intramuros at Binondo at Estrella at Pantaleon Bridge.
Nabatid na ngayon ang ground breaking ceremony ng pagtatayo ng dalawang tulay na pangungunahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte.