Manila, Philippines — Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development ang kumakalat sa social media na nasa P6,000 ang monthly social pension na ibinibigay nito sa mga indigent older persons.
Ayon kay Dswd Secretary Virginia Orogo, ang Social Pension Program ay tulong ng gobyerno para sa mga matatandang benepisyaryo alinsunod sa Expanded Senior Citizens Act of 2010 o Republic Act 9994.
Sa ilalim ng batas, ang mga matatanda na nasa 60 taong gulang pataas ay makakatanggap ng P500 monthly pension lalo na kung siya ay may karamdaman at walang tinatanggap na anumang pension sa gobyerno.
Kada quarter ibinibigay ng DSWD ang cash subsidy sa mga social pensioners na katumbas ang P1,500 at may kabuuang P6,000 sa isang taon.
Nanawagan si Secretary Orogo sa publiko na huwag nang mag post ng mga maling impormasyon upang maiwasan ang kalituhan sa mamamayan.