Hindi pa Ako Natatalo sa Sagupaang Legal! – JPE

Sta Ana, Cagayan – Hindi pa ako natatalo sa anumang kaso na hinawakan ko.

Ito ang deklarasyon ni dating senate president Juan Ponce Enrile at nababalitang maging lead private prosecutor sa inaabangang Sereno Impeachment Case sa pakikipagtalastasan ng iilan at piling kasapi ng lokal na media kasama na ang RMN Cauayan News.

Sa naturang panayam ay nauna niyang inilatag na iwas muna sa pagtalakay sa CJ Sereno case ngunit siya naman ay malugod na nagpaunlak sa mga katanungan kaugnay sa mga lokal na isyu at kaganapan.


Ang ilang bahagi ng panayam ay mapapakinggan sa Straight to the Point radio program ng DWKD RMN Cauayan sa unang linggo ng pagsasahimpapawid nito simula Abril 2, 2018.

Ilan sa mga gama-na-game niyang sinagot ay mga isyu ng pulitika sa Cagayan, napapabalitang pagtakbo bilang gobernador ni 3rd District Congressman Randolph S Ting, pagkakaroon ng kauna unahang flight sa Lal-lo International Airport, away ni Gobernador Manuel Mamba at ni Bise Gobernador Melvin Vargas Jr at mga board members ng Cagayan, panukala na pagkakaroon ng paliparan sa Tuao Cagayan, Cagayan Economic Zone Authority(CEZA) at ang pinakahuling kaganapan na pagkaka-aresto ng dalawang anak ni Mayor Marilyn Pentecostes ng bayan ng Gonzaga dahil sa mga illegal na baril.

Magpagayunpaman ay kanyang sinabi na mayroon nang 30 media entities at personalidad na nakabase sa Metro Manila ang humingi sa kanya ng panayam kaugnay sa Sereno Case.

Aniya ay inaayos pa ang schedule ng mga ito sakaling papaunlakan niya ang mga hiling na interview.

Pumayag naman ang dating senador na makakapanayam din siya ni RadyoMaN Chris Estolas ng programang Straight to the Point ng DWKD RMN Cauayan kaugnay sa impeachment case.

Si JPE nasa pribadong bakasyon ngayon para sa paparating na Semana Santa.

Facebook Comments