Manila, Philippines – Pinauwi na ang mga residenteng inilikas mula sa limang barangay sa lungsod ng Legazpi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, hindi pa delikado ang mga nasabing lugar sa aktibidad ng bulkang Mayon.
Gayunman, sinabi ni Solidum na matagal pa ang hihintayain kung magpapatuloy o titigil ang aktibidad ng Mayon.
Samatala nananatili pa rin sa evacuation centers ang mga inilikas mula sa bayan ng Camalig, Daraga, Guinobatan, Sto. Domingo at sa mga lungsod ng Ligao at Tabaco.
Facebook Comments