UNAWAIN | Pagpapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law, muling iginiit ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte na unawain ang kahalagahan ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang pag-amyenda sa saligang batas para mabago ang porma ng gobyerno patungo sa federalism.

Giit ng pangulo, napapanahon na para maitama ang “Historical Injustice” na dinanas ng mga Moro.

Aniya, tiyak niyang magkakaroon ng giyera sa Mindanao kung walang mangyari sa BBL o kaya hindi mabago ang konstitusyon.


Maari aniyang makahikayat sa mga moro ang ISIS ideology kapag nabigong maipasa ang BBL.

Facebook Comments