HINDI PA KATANGGAP-TANGGAP | Pilipinas, hindi pa handa sa same sex marriage

Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi pa handa ang Pilipinas na maisabatas o ipatupad sa bansa ang same sex marriage.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maging ang Supreme Court ay hindi pa handa sa nasabing usapin at pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay pabago bago ang isip dito kung pabor o hindi.

Pero mas matatanggap namana niya ng lipunan ang isinusulong na Sexual Orientation and Gender Equality o SOGE Bill na siyang magbibigay karapatan sa LGBT na magkaroon ng Civil Partnership.


Paliwanag pa ni Roque, masyadong revolutionary o makabago ang same sex marriage na ipinatutupad sa ibang bansa kaya hindi pa ito magiging katanggap tanggap sa Pilipinas na mayorya ay mga Katoliko.

Facebook Comments