HINDI PA MAAYOS | Sen. Grace Poe, naniniwalang may ‘butas’ pa ang jeepney modernization program

Manila, Philippines – Hindi pa buo at hindi pa rin maayos ang plano para sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Ito ang iginiit ni Senator Grace Poe sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kaugnay sa planong pag-phase out ng mga lumang model ng jeepney.

Ayon kay Poe, marami pang konsultasyon ang dapat gawin at posibleng tumagal ng tatlong taon ang gagawing modernization program lalo pa’t hindi naman sapat ang pondo.


Facebook Comments