Driver patay sa pamamaril sa Midsayap

Patay ang isang 25 anyos matapos pagbabarilin habang natutulog sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy Sadaan Midsayap North Cotabato pasado alas dose kahapon ng tanghali.
Sa impormasyong ipinarating ni Supt Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotanato PNP, sakay ng dalawang motorsiklo ang mga di na kilalang mga suspek na kapwa may mga back rider . Kinabibilangan ng XRM 125 at Suzuki Raider 150 ang mga ginamit na motor.
Sinasabing mag isa tahanan ang biktimang nakilalang si Bryan Binito Manlunas, isang driver , nang pagbabarilin ng mga backrider ng motor gamit ang kalibre 45 na baril. Multiple gunshot wound ang tinamo ni Manlunas resulta ng kanyang kamatayan.
Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.

Facebook Comments