HINDI PA NATATAPOS | Rigodon sa Kamara, nagpapatuloy

68

Manila, Philippines – Hindi pa natatapos ang rigodon sa Kamara kahit na isang buwan na ang nakalipas mula ng maupo si Pampanga Rep. Gloria Arroyo na Speaker.

Kabilang sa bagong lider ng Mababang Kapulungan si Sulu Rep. Munir Arbison na dating vice chairman ng House Committee on Public Works and Highways na itinalaga ngayong Deputy Speaker.

Ito ay matapos mag-manipesto si House majority Leader Rolando Andaya sa plenaryo na siyang nagpasok ng nominasyon kay Arbison.

Si Arbison ang ipinalit kay Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema bilang Deputy Speaker habang si Sema naman ay itinalaga bilang chairman ng Committee on Muslim Affairs.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng Deputy Speaker mula sa lalawigan ng Sulu.

Nagpasalamat naman si Arbison sa pagluklok sa kanya sa posisyon dahil patunay lamang anya ito na mabibigyan ng maayos na representation ang mga taga Mindanao.

Facebook Comments