U.S. OPEN | No. 2 seed Roger Federer, sibak

36

Hindi na matutuloy ang inaabangan na bakbakan nina no.2 seed Roger Federer at Novak Djokovic.

Tinalo kasi ni unseeded Jonathan Millman si Federer 3-6, 7-5, 7-6, 7-6 sa 4th round ng 2018 U.S. Open.

Ito ang unang panalo ni Millman sa isang player na nasa top 10 ng mundo at maituturing na isa sa mga pinakamalaking upset win sa U.S. Open.

Si Federer ang number 2 ranked player sa mundo habang number 55 lamang si Millman.

Masama ang naging laro ni Federer kontra kay Millman base na rin sa 76 unforced errors nito.

Makakaharap ni Millman sa last 8 si Djokovic

Facebook Comments