Manila, Philippines — Magpapatuloy ang balasahan sa liderato ng PNP matapos ipuwesto sa mga bagong posisyon sa PNP ang 29 na matataas na opisyal nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, ang susunod na babalasahin ng PNP ay mga Provincial At City Directors, na ibabatay naman sa resulta ng evaluation ng PNP Oversight committee.
Paliwanag ni Albayalde, ang performance ng mga kasalukuyang nakaupo ang magiging basehan ng kanilang pagkatanggal o pananatili sa pwesto.
Maging aniya ang mga bagong iniluklok na opisyal ay under continuous evaluation, at mayroon lang silang isang buwan para patunayan ang kanilang galing sa trabaho kung hindi ay tatanggalin din sila sa pwesto.
Ito aniya ang dahilan kung bakit “acting” lang lahat ng mga bagong appointments, at magiging permanente lang ito makalipas ang isang buwang “trial period”.
Binigyang diin ng PNP Chief na ang paglilipat ng pwesto ng mga opisyal ng PNP ay isang Command decision, na pinag-aralan ng PNP Oversight committee at hindi lamang nya desisyon.
HINDI PA TAPOS | BALASAHAN SA PNP, MAGPAPATULOY
Facebook Comments