Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi pababayaan ng Pamahalaan ang kaso ng pagpatay kay Dr. Gerry Ortega, kung saan itinuturong mastermind ay si dating Palawan Governor Joel Reyes.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, aapela ang pamahalaan para mabaliktad ang desisyong inilabas ng Court of Appeals na nagpapawalang sala sa dating gobernador.
Sinabi ni Roque, magpupulong sina Justice Secretary Vitallano Aguirre at Solicitor General Jose Calida para pag-usapan ang mga legal na hakbang na maaaring gawin ng Pamahalaan sa kaso.
Binigyang diin ni Roque na hindi katanggap-tanggap ang desisyon ng Appelate Court dahil nadesisyunan na ng lower court at matibay ang ebidensiyang pinagbatayan ng sentensiya para kay Reyes.
Matatandaan na si Roque ay nagsilbi ring Private prosecutor sa Ortega Murder Case.